Friday, March 12, 2010

KAPATID – KAMANLALAKBAY


Kay hirap maglakbay ng walang karamay
Sa mga problemang aking nararanasan
Maraming pagkabulag at pagkadapa
Na sa aki’y tunay na nagpapaalila.

Sa paglalakbay ako’y may nakasabay
Na sa mga problema’y laging karamay
Sa gabi man o araw nand’ya’t umaagapay
Parang anghel na sa aki’y nagbabantay.

(Refrain)
Ating samahang hinabi ng panahon
Ngayo’y matatag pa rin at nagpapatuloy.

(Koro)
Salamat sa ‘yo kapatid
Salamat sa ‘yong prisensya
Salamat sa pakikilakbay
Salamat sa ‘yo… salamat sa ‘yo.

Aking pagkatao’y iyong tinanggap
At ako’y tinulungang ito’y mapaunlad
Hindi nag-alinlangan, hindi hinusgahan
Bagkus ako’y iyong pinahalagahan.

(Repeat Refrain and Koro)

(Koda)
Ano mang pagsubok ang dumaan
Lahat kayang lampasan
Dahil laging sandigan tunay na pagkakapatiran
Tunay na kapatid at kamanlalakbay
Ganyan kami...Walang iwanan.

(composed by Sem. Jeffry U. Regencia)